Related Links

Public Advisories
Crime Safety Tips
Crime Prevention Tips
Employment Opportunities
Transformation Programs
Annual Reports
Most Wanted Persons
Regional Crime Statistics

POLICE DIRECTOR GENERAL NICANOR A BARTOLOME
Chief, Philippine National Police

Sa inyong pagbabakasyon, kasama ang paggunita ng Semana Santa, marapatin po lamang na mag-ingat upang tayo ay malayo sa kapahamakan.  Kami po ay handing tumulong sa lahat ng oras. Huwag po kayong mag atubili sa pagdulong sa inyong kapulisan.

“TIPS” para IWAS-KRIMEN at SAKUNA sa SEMANA SANTA at PANAHON NG BAKASYON

Kung iiwan na walang bantay sa bahay

  1. Ikandado ang lahat ng pinto at bintana; tiyakin na walang dadaanan ang sinuman na may tangkang pumasok at magnakaw
  2. Mainam kung may burglar alarm para maalerto ang mga kapitbahay kung may pumasok sa kabahayan
  3. Iwasang mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob.  Mainam din na iwanan na bukas ang radio para kunwari ay may tao sa loob ng bahay
  4. Itagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bagay at ipaalam din kung kalian kayo babalik
  5. Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric stove o tumutolong gripo ng tubig at naka-plug na appliances
  6. Iligpit ang anumang mahalagang bagay o pag-aari sa labas ng bahay na maaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan o bisikleta o sasakyan

Kung may dalang sasakyan

  1. Tiyaking maayos at walang problema ang sasakyan at tandaan ang salitang:

  2. Sigurading kumpleto ang lahat ng dokumento na kailangan sa pagmamaneho ng sasakyan, halimbawa: driver’s license, vehicle registration, early warning device, etc
  3. Sa pagmamaneho, iwasan ang one-hand driving.  Tiyakin na kontrolado mo ang sasakyan sa lahat ng panahon.  Kung may kasamang mga bata, siguraduhin na naka-lock ang lahat ng pinto
  4. Huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho
  5. Huwag magmaneho kung ikaw ay nakainom, nahihilo o inaantok.  Kung maari, magsama ng isang extra driver kung malayo ang biyahe
  6. Kung bibiyahe sa gabi, siguraduhin na gumagana ang headlights, signal lights at tail lights
  7. Magdala ng flashlights o emergency light

Kung gagamit ng pampublikong sasakyan

  1. Iwasang magsuot ng mamahaling alahas o magdala na malaking halaga o salapi
  2. Ingatan ang dalang cellular phones o iba pang gamit na malimit dalhin tuwing bibiyahe o lalakad
  3. Iwasan din ang pagdadala ng maraming gamit para hindi mahirapan sa biyahe at madali ang pagbabantay sa mga dala dalahin
  4. Mainam na maging maaga sa istasyon ng tren, piyer, paliparan at bus terminals para maiwasan ang siksikan at matiyak na maayos ang pwesto ng mga bata/matanda/kababaihan.
  5. Mag-ingat sa mga mandurukot, salisi gang, laglag-barya gang at iba pa. Hanapin ang Police Assistance Booths sa mga paliparan, piyer, istasyon ng tren at bus terminals kung mayroong i-re-report

Kung nasa simbahan “beaches”, “resort”, atbp

  1. Iwasang magsuot ng mamahaling alahas
  2. Iwasang magdala o magpakita ng malalaking halaga ng pera
  3. Ingatan ang dalang handbag o wallet
  4. Payuhan ang mga kasamang bata na huwag pagala-gala at mag-ingat sa mga lugar na maraming tayo.  Tiyakin na sila ay may ID o papel na sa kanila ay pagkakakilanlan
  5. Kapag nasa beach, resort o kahalintulad ng mga ito, panatilihing malinis ang kapaligiran
  6. Kapag maliligo sa beach o swimming pool, siguraduhin na marunong lumangoy o mayroong kasamang marunong lumangoy
  7. Alamin ang lugar ng First Aid Statio at PNP Assistance Booth para sa emergency o police assistance
  8. Kung maglalamay o kasama sa mga vigil, tiyakin na ang kapaligiran ay ligtas sa krimen at sakuna.  Mas mabuting may kasama.

Copyright © 2013 All Rights Reserved, Philippine National Police, PRO7
Developed & maintained by the Regional Information and Communications Technology Management Division 7, PRO7

For feedback/comments/suggestions Email to: pro7_ropd@yahoo.com,r07.ritms@gmail.com,rtoc_r07@pnp.gov.ph or Call +63.032.255.39.43 local 110
Address: PNP PRO7 RHQ Camp Sergio Osmeña Sr., Osmeña Blvd., Cebu City, Philippines 6000